unang kain

kumain ako ng somtam at kung anu-ano pang mga maaanghang na putake na lokal sa dito sa siam. ang sarap pero medyo naghihinagpis ata ang akin tiyan. di na sanay. hehe.

pero ang saya, dun kami sa may picnic table kumain, kaharap namin ang dalampasigan na medyo naghihimutok. yep malamig ang panahon dito sa isla kong malayo sayo. i like it.

medyo na miss ko rin pala. medyo iba kasi ang kumpanyang ito - parang pamilya. so salu-salo kami dun kanina. masaya. masarap.

gusto ko yun. mahangin - walang araw - malapit sa dagat - at higit sa lahat… maraming pagkain!

salamat Lord sa araw po na ito. promise bukas diet na ulet ako.

Leave a Reply