Archive for July, 2006

Ang Pilipina at Ang Siam

Wednesday, July 5th, 2006

Sa loob ng anim na buwan na pagtratrabaho dito sa Siam. Meron akong naipon na limang rason kung bakit ang isang Pilipina ay di dapat mag Thailand. Sanay magsilbing warning ito sa mga nag nanais tumahak ng landas patungo dito.

una, kung ikaw ay nabibilang sa mga payat sa Pinas, chances are - you’ll be chubby here. the Thai women are unnaturally thin. it’s unbelievable and unfair. kasi ang sarap ng food tapos kailangan mag diet! shet!

pangalawa, walang gentleman-gentleman dito. di uso ang uber pag papacute ng Pinoy guys. forget about doors that instantly open and bag that somehow find their way into your guy friend’s hands… outnumbered ang men dito sa Thailand, wala silang pake masyado sa girlets nila. ewan ko ba, walang tatalo sa Filipino men. uhm pag may nahanap ka man na itsura sa Thailand - either boyband sila or worse - gay. kaya hindi nakapagtataka na ang mga Thai ay mahilig sa puti.

pangatlo, yung mga Filipino communities. makakakilala ka ng mga kakaibang mga tao. maaring sabihin na hindi mo kauri ngunit ka dugo. mahirap ito ipaliwanag kung kaya’t ang sasabihin ko na lang ay mag ingat.

pangapat, grabe ang lungkot. kahit sabihin mong independent ka at kung anu-ano pang ek-ek, may mga panahon talaga na wish mo lang ay i-transport ka back sa bahay ng mga magulang mo. talagang nakakalumbay. lilinis ang mata mo dahil sa regular cleansing mula sa mga luha.

panglima, walang disententeng manukurista dito. good luck sa cuticles mo.

kung sa tingin mo ay kakayanin mo itech, lipad ka na.

hindi pa naman patay mga kuko ko :-)